1/1/2006 Ang Pagsasabuhay ng Misa sa Pang-araw-araw na Buhay
Ikatlong Bahagi

Sangguniang Pang-Pastoral ng Parokya na Nakatuon sa Bagong
Ebanghelisasyon



Mula kay Paul Otsuka Yoshinao, Obispo ng Kyoto



1. Pagpapasalamat kay Santo Papa Juan-Pablo II

Manigong Bagong Taon sa inyong lahat! Isulong natin sa taong ito ang Sama-Samang Paggawa Para sa Misyon upang ang lahat ng may pananampalataya sa Diyosesis ng Kyoto, lalot higit ang mga dayuhan, ay maging, tulad ng motto ng Obispo, Isang Komunidad na “Nagkakaisa .

Sa nakaraang dalawang taon mula 2004, na pagtalakay sa temang “Pagsasabuhay ng Misa sa Pang-araw-araw na Buhay” patuloy na pinag- iisipan ng Diyosesis ng Kyoto ang buhay pananampalataya sa pamamagitan ng pagtuon sa Misa na siyang pinakapundasyon ng Sama-Samang Paggawa Para sa Misyon. Noong nakaraang taon ipinagdiwang natin ang “Taon ng Eukaristiya” na itinadhana ng Santo Papa Juan Pabo II na tinapos ng Santo Papa Benedicto XVI sa ika-11 Synodngkaraniwang pagpupulong ng mga kinatawan ng mga Obispo sa buong daigdig na ginanap sa Vatican, na ang tema ay “Ang Kahiwagaan ng Eukaristiya - Pinagmumulan at Pinakabuod ng Buhay ng Simbahan.” At ang bawa’t isang parokya, block at deanery council ay nagpatupad ng nararapat na gawain upang ipagdiwang itong Taon ng Eukaristiya. Nais kong mag-alay muli ng panalangin para sa yumaong Papa Juan-Pablo II na nagbigay ng espesyal na taon ng biyaya. At nais ko ring, sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng mahalagang temang “Pagsasabuhay ng Misa sa Pang-araw-araw na Buhay”ay mangyaring maging pundasyon ito upang lalo pang tumibay ang sama samang Paggawa Para sa Misyon.

2. Ang Batayan ng Pagkilos para sa Sangguniang Pang_Pastoral ng Parokya

Sa ngayon, dumating na tayo sa ikatlo at huling taon ng pagbubuo ng “Batayan ng Pagkilos para sa Pastoral Council ng Parokya.” Ang dahilan ng paggawa nitong kodigo ng pagkilos (code of practice) ay upang maisakatuparan sa bawa’t parokya ang isang Sangguniang Pang- Pastoral ng Parokya “. Ang Sangguniang Pang_Pastoral ng Parokya na kung saan kasama ang mga pari na itinalaga sa block, ang siyang makikipag-ugnay, mag-uusap, at gagawa ng desisyon tungkol sa kung ano ang kailangan para sa maayos na takbo ng parokya. (“Gumawa tayo nang Batayan ng pagkilos ng parokya na siyang magtataguyod ng Sama-Samang Paggawa Para sa Misyon”, Nobyembre 2003).

Una sa lahat ay ang pagkakaroon ng paghahati_hati ng mga gawain sa bawat grupong nabuo. Pagkatapos nito, isa-alang-alang ang tunay na kalagayan ng parokya, ang ibang grupo ay malayang makakalahok sa alin mang gawain, at inaasahang magagampanan nila ito.

Kung ang lahat ay maisasakatuparan ayon sa plano, magkakaroon na ng Sangguniang Pang -Pastoral sa bawat parokya sa Disyembre ng taong ito. Sa ganitong paraan nabuo ang “Parish Pastoral Council Code of Practice Coordination Committee” na siyang magsasaayos ng mga panukalang batayan ng pagkilos mula sa bawa’t parokya. Naniniwala ako na maraming simbahan na ang nagsisikap na itaguyod ang naaangkop na istraktura na nakatuon sa gawain ng mga grupo. Subalit marahil sa laki ng komunidad, ang ilang parokya ay nahihirapang sumunod sa mga alituntunin na ibinigay ng Diyosesis.
Kayat iminumungkahi kong makipagugnayan kayo sa PPC upang mabuo ang batayan ng Pagkilos ng naaayon sa alituntunin ng Diyosesis

3. Ang Sangguniang Pang_Pastoral na Nakatuon sa Bagong Ebanghelisasyon

Napili ko ang pangsuportang tema ng taong ito “ ang “Ang Parokya na Nakatuon sa Bagong Ebanghelisasyon .Sa pagsisikap na maranasan ang Sambayanang nanampalataya..Pag-aralan ang Eukaristiya.(ang Banal na Sakramento),Pagnilayan ang katotohanang tayo ay “tinawag na makipag- ugnayan kay Kristo” (Ikalawang Bahagi), at ngayon sa kahabaan ng pagpapatuloy ng ating paglalakbay, nais kong tingnan nang mabuti ang ating bokasyon na ipahihiwatig sa ating “pang-araw-araw na buhay.” Ito ang gawaing ebanghelisasyon at . Ang Sangguniang Pang Pastoral ay isang elemento upang tayo ay maging komunidad

Ang kasabihang “Bagong Ebanghelisasyon ay ginawa ni Santo Papa Juan Pablo II. ang nagpanukala sa pagbabago ng ‘ebanghelisasyon at inanyayahan niya tayong ipalaganap ito. (Evangelii nuntiandi¹, 82). Tinanggap ito ni Papa Juan-Pablo II at ginawang pagtawag sa atin sa Bagong Ebanghelisasyon Ipinaliwanag niya ang “ Pagbabago sa Ebanghelisasyon sa tatlong paraan: ayon sa kanya,kinakailangan ng bagong sigla, bagong pamamaraan at isang bagong pananalita (expression) upang ipahayag at isabuhay ang Salita ng Diyos (Pastores dabo vobis², 18) Ayon sa kanya , kinakailangan ng panibagong sigla ,pamamaraan at pagsasabuhay ng mabuting Balita.

Unang-una, itong bagong sigla o silakbo ng damdamin, para sa pag-e- ebanghelyo ay tumutukoy sa pag-iisip ng isang tao. Ang bagong pamamaraan ng pag-e-ebanghelyo ay nangangahulugan ng pagbubukas ng bagong pamamaraan tungo sa gawaing apostolic at paggamit ng maayos sa mga bagay (resources) upang maipatupad ang mga ito. Ang ibig sabihin ng bagong kasabihan ay paghahanap ng paraan ng paggamit ng mensahe ng bibliya nang hindi nawawala ang kahulugan nito, sa pamamaraang maiintidihan ng mga tao sa kasalukuyang lipunan.

Kapag sinabi nating “bago”, sa tingin ko, ibig sabihin nito ay pagpapanibago ng mga nariyan na at saka pagdaragdag ng anumang kulang pa. Nais kong harapin natin itong “Bagong Ebanghelisasyon” sa pamamagitan ng sama-samang paggawa para sa misyon na ating ipinatutupad sa Dyosesis ng Kyoto. Isinulat ko sa ibaba ang ilang mungkahi na makakatulong sa pagninilay, at pagsasagawa, ng tatlong aspeto ng salitang “bago” sa Bagong Ebanghelisasyon.. (Cf. Paul VI, “Evangelii nuntiandi¹”. Ang mga references ay may nakalagay na ‘EN’ at isang numero.)

4.“Bagong Ebanghelisasyon Kaayusan (Frame) ng Kaisipan

Naniniwala ako na ang kaayusan ng kaisipan na tama sa isang tao na naniniwala sa “Bagong Ebanghelisasyon, sa ibang salita, walang iba kundi ang panibagong kaalaman na kinakailangan sa makabagong Kristiyano.Mula dito aking lalagumin ang ilang mahahalagang puntos na nasa aking isipan habang nagiging kabisado na ang sama-samang paggawa para sa misyon

① Ang biyaya ng Pananampalataya ay hindi lamang sa sarili (EN 14)
Ang handog ng pananampalataya na ating natanggap ay hindi lamang para sa ating pansariling kaligtasan; ito ay biyaya ding ibinigay sa atin ng Diyos Ama na siyang nagplano na iligtas ang lahat ng tao “sa kahibangan ng bibliya” (1 Kor 1:21) upang magamit tayo bilang instrumento tungo sa isang hinahangad. Kaya dapat nating alisin sa ating sarili ang pananampalatayang “nawala na ang ating pagtingin sa misyon.” (tingnan ang aking Bagong Taong Pastoral Letter para sa 2001)

② Ang Sambayanan ng Diyos ay binubuo ng Manggagawang Misyonero (EN 59)
Ang bokasyon sa Misyon ay hindi lamang sa mga obispo, pari at madre kundi ito ay para sa lahat ng mananampalataya kasama ng mga bata, matatanda, may sakit at mga hindi makadalo sa Misa: lahat tayo ay may pananagutang tumulong sa Gawain ng Ebanghelisasyon .

③ Pakikinig at Pagsunod sa Banal na Espiritu Santo (EN 75)
Ang Espiritu Santo ay kumikilos sa kaibuturan ng ating puso,gumagabay sa atin na tanggapin ang Salita ng Diyos at inaanyayahan tayo na ibahagi ang Ebanghelyo.. Nakikinig tayo sa Espiritu sa pamamagitan ng ating puso at sinusunod natin ang kanyang ipinahihiwatig Mahalaga na ating damahin ang panawagan ng ating puso bilang Komunidad na nangangaral ng Ebanghelyo.

④ Pinasigla ng Pagmamahal sa Ibang Tao (EN 79)
Ang nagtutulak ng Ebanghelisasyon ay ang ating pagmamahal sa ibang tao. Ang pagmamahal na ito ay nangangailangan nang makatotohanan at walang sawang pakikibahagi sa iba upang magkaroon ng pagkakaisa; ng paggalang sa relihiyon at kultura, mga kinagawian at mga pagkakaiba. Upang maiwasan nating masaktan ang iba sa anumang paraan.

5.“Bagong Ebanghelisasyon : Bagong Pamamaraan

Ang mga Bagong Pamamaraan sa pagpapatupad ng Ebanghelisasyon ay ginagawa sa pamamagitan ng paghahanap ng bagong paraan para sa mas epektibong pangangaral ng Ebanghelyo sa kasalukuyang panahon.

① Pagiging saksi sa pamamagitan ng ating buhay (EN 41)
Ang Ebanghelyo o ang Salita ng Diyos ay hindi basta lamang mga kautusan at pangangaral kundi mga mensahe na makapagbabago ng ating buhay . At ito ang hamon ng Ebanghelisasyon ,ang pagsasabuhay sa salita ng Diyos.Lalo na dito sa Japan na ang bilang ng mga taong binyagan ay napakaliit lamang ,kayat mahalagang ang mga Kristiyano ay mamuhay ng masaya at may pag-asa upang maimp luwensyahan ang mga taong nakapaligid sa kanila.

② Pagbabahagi sa Salita ng Diyos,(EN 43)
Upang makita sa buhay natin ang Salita ng Diyos, , makatutulong nang malaki ang pagbabahagi ng ating mga karanasang bunga ng ating pananampalataya . Ang unang hakbang sa paggawa nito ay ang pakikibahagi sa ating kapwa .Sa ganitong paraan mapapayaman natin ang pananampalataya ng bawa’t isa.

③ Matuto mula saTao at Lipunan (EN 43)
Ang Salita ng Diyos ay hindi lamang impormasyon. Kundi ito ay ibinabahagi sa ibang tao sa pamamagitan ng ating pakikipag-ugnayan sa kanila.. At ito ay hindi lamang sa mga may pananampalataya, kundi gayundin sa mga walang pananampalataya; kailangan nating maging bukas sa paggabay ng Espiritu Santo upang matutuhan ang gawain ng nito, gayundin ng Salita ng Diyos na nariyan na at nagsisimulang umusbong sa mga taong nakakasama natin at sa lipunan.

④ Pakikipagkapatiran at Pagtutulungan (EN 60)
Ang Ebanghelisasyon ay gawain ng komunidad. Ang paggawa ng bagay-bagay na hindi umaayon sa sama-samang paggawa para sa misyon ay ang ‘pagpapasya nang nag-iisa’, o ‘isang taong nag-iisang gumagawa.’ Ang sama-samang paggawa para sa misyon ay ipinatutupad ng mga taong bumubuo ng komunidad, mula sa bawa’t isa ayon sa kani-kaniyang pansariling kalagayan, na lalo pang nagkakapatiran habang nakikipagtulungan sa isa’t-isa. Sa ibang salita, ito ay binubuo ng mga layko , mga relihiyoso pari at madre na nagkakaisa sa isang sistemang ginagabayan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagdarasal pakikipag-usap ,pagpapasya ng sama-sama at pagkatapos ay sama-samang pagpapatupad ng mga pasya.

⑤ Paggamit ng Makabagong Teknolohiya lalo na ng Internet (EN 45)
Ang mga tao ay mabilis na nakakakuha ng napakaraming impormasyon sa pamamagitan ng internet.Ang paggamit nito ay makakatulong ng malaki sa Simbahan lalot higit sa sistema ng Komunikasyon . Para sa iba’t-ibang gawain kasama na ang publisidad at pagpapalitan ng impormasyon (lalo na sa pamamagitan ng webpages), pagpapaunlad ng pananampalataya, at ang patuloy na paglago bilang Kristiyano.

⑥ Pagkikipag-ugnayan sa ibat -ibang Relihiyon ng ating Simabahan(EN 53)
Isa sa mga layunin ng Bagong Ebanghelisasyon ay ang pakikipagugnayan sa ibat -ibang relihiyon .Kung saan inimumulat ang puso at isipan ng bawat isa,. Ang pagkilala at paggalang sa pananampalataya ng ibat-ibang relihiyon o sekta sa ating lipunan.

6. Ang “Bagong Ebanghelisasyon: Panibagong Pagsasabuhay

Sa aling mang panahon, ang pundasyon ng Ebanghelisasyon ay ang pagkakatawang- tao, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo. Ito ay nangangahulugan ng “pagdadala ng Mabuting Balita sa buong sangkatauhan, (EN 18). Ito rin ang idinudulot ng kapangyarihan ng Salita ng Diyos, batayan ng sangkatauhan sa pagtatakda nang mga pinahahalagahan; mga bagay na kinawiwilihan, daloy ng isipan na pinanggagalingan ng inspirasyon, at ng mga modelo ng buhay na salungat sa mga Salita ng Diyos at sa plano ng pagtubos sa sangkatauhan.” (EN 19) Samakatuwid, “ang Bagong Ebanghelisasyon ” ay ipinahahayag nang naiiba, bagay na iniaayon sa mga turo at gawaing Kristiyano sa kasalukuyang panahon nang hindi nawawala sa paningin ang mga batayang prinsipyong Katoliko at mga hiling na gawa ng Salita ng Diyos. (EN 63) Ang panibagong pagsasabuhay sa turo at gawain ng Simbahan na naka-ugnay sa Salita ng Diyos at naaayon sa kalagayan ng kasalukuyang panahon.

① Pagsasa-Kultura (Inculturation) (EN 20)
Ang Simbahan ay may tungkuling ipaabot ang Mabuting Balita sa puso ng mga taong may iba’t-ibang kultura. Kung ang Salita ng Diyos ay nakaugat ng mabuti sa bansang Hapon ,kailangan nang ipaliwanag ng maayos ang Salita ng Diyos at gamitin sa mga tradisyunal at relihiyosong sentimiyento ng mga Hapon.

② Ebanghelisasyon sa Pamamagitan ng Pakikilahok sa Larangan tulad ng Kapayapaan,Karapatang Pantao, Kawanggawa at Kapaligiran (EN 29)
Ang kalagayan ng Ebanghelisasyon sa kasalukuyang panahon ay unti_unting nagbabago. Kaugnay ng “Bagong Ebanghelisasyon ”, kailangan na ang pagbubukas sa larangan ng bagong gawain. Maaaring ang mangyayari ay mas maraming pakikilahok sa mga mahihirap, mga maralita sa lipunan, pag-aalaga sa mga bata, pamilya, mga gawain sa kapaligiran katarungang panlipunan, kawanggawa at kultura.

③ Ang Mapagpalayang Mensahe ng Ebanghelyo (EN 9, 33)
Habang ang modernong lipunan ay kakikitaan nang hindi mabilang na senyales nang pagkalimot sa Diyos, na ang katotohan karamihan ay nahihirapang makita Siya. Dahil sa mga nangyayri sa ating lipunan at kapaligiran . Kung kayat bokasyon ng Simbahan ay mabago ang hindi makataong kalagayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Salita ng Diyos.

④ Simpleng Pamumuhay (EN 76)
Bawa’t isa sa atin, sa pagkakanlong sa Salita ng Diyos, ay inaanyayahang muling siyasatin ang ating buhay at sikaping may nakatuon sa buhay ng pag-ibig. Kung nais nating ipadama ang pakikiisa sa mga tinatawag ng Diyos na “pinakadukha nating mga kapatid” ay magkaroon tayo ng simpleng pamumuhay , na ang kaakibat ay pagbabahaginan.

7. Ang Mga Pamamaraan ng Gawaing Pastoral sa Bagong Ebanghelisasyon

Ang pinakamahalaga at pinakamatinding hamon sa pagtataguyod ng Bagong Ebanghelisasyon ay ang paraan ng gawaing pastoral sa bahagi ng mga pari. Kung saan ito ay magmumula sa isang espiritwalidad na nagtataguyod ng pagkakapatiran.” Kayat kinakailangan sa gawaing pastoral na ito ay ang mga pari ay :
  1. May malalim na pakikipagugnayan kay Kristo sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal at pagdiriwang ng Banal na Misa.
  2. Humiling ng may kaligayahang malaman na sila ay mga lingkod at ibinabahagi ang kaligayahang ito sa mga taong kanyang pinaglilingkuran o nasasakupan.
  3. Nagiging maramdamin sa ,presensya at gawain ng Espiritu Santo sa mga tao ,lipunan , at kultura
  4. Bumuo ng mga bagong pamaraan ng pakikipag-ugnay sa mga tao sa pamamagitan ng mga makatotohanang mga salita upang ito ay maging lakas ng kanilang buhay,
  5. Kumikilos nang may kababaang loob habang itinatayo ang pamayanan.
  6. Magpadama at ipakita ang pagmamahal sa mga mahihirap at sa mga nangangailangan ng tulong at laging maging maunawain sa pagkilos.

8. Pagsisimula ng na Pakkiipagpalitan sa ating Kapatid na Diyosesis ng Jeju

Noong ika-7 ng Hunyo ng nakaraang taon, ang mga Diyosesis ng Kyoto at Jeju sa South Korea ay bubuo ng pagkakaisa bilang magkapatid na Diyosesis. At Nagsimula sa taong ito,na ang buwang Hunyo ay itatalaga bilang “buwan ng Pagkakapatiran na Diyosesis na Kyoto-Jeju” . Kayat ipanalangin natin na ang dalawang diyosesis ay magkaroon ng pagpapalitan ng mga gawain.Hinihiling ko sa inyo na magplano ng pagdalaw at pakikipagpalitan sa lahat ng antas ng istruktura ng Diyosesis. Maaaring gamitin sa pakikipagpalitan ng impormasyon ang impormasyong nakalagay sa homepage ng Diyosesis.

9.“Konseho ng Katarungan at Kapayapaang Pagpupulong sa Kyoto

Sa taong ito,pangungunahan ng Diyosesis ng Kyoto ang pagdiriwang ng “Konseho ng Katarungan at Kapayapaan ng Simbahan ng Katolikong Hapon”. Ito ay magaganap mula Oktubre 7 hanggang 9. Habang tayo ay umuusad patungo sa “Bagong Ebanghelisasyon nais kong ipalaganap ang pagpupulong na ito bilang okasyon na kinakailangan ng pag-aaral at pakikipagkaibigan upang maharap ang hamon ng ebanghelisasyon sa ating lipunan. Ipinapakiusapko sa lahat ng mga Kristiyano sa Diyosesis ng Kyoto, kasama ang lahat na makikilahok: dito, naway magtulong_tulong tayo na gawing matagumpay ang pambansang pagpupulong na ito.

10. Birhen Maria, “Tala ng Ebanghelisasyon”

Sa taong ito muli kong iniaalay ang ating paglalakbay tungo sa Sama- Samang Paggawa Para sa Misyon sa Diyosesis ng Kyoto sa Diyos Ama, sa pamamagitan ng pagtulong ng Birheng Maria. Siya nawa ang manatiling “Tala ng Ebanghelisasyon.” (EN 82)

At bilang pagwawakas nais kong sa taong ito ay ipagpatuloy natin ang pagdarasal sa Misa para sa ‘Kapayapaan sa Mundo’. At huwag nating kailanman kalilimutan ang mga salita ni Santo Papa Juan Pablo II: “Kung ang kapayapaan ay may posibilidad, ang kapayapaan ay isang responsibilidad.”

At tayo ay magdasal para sa “Pagsasabuhay ng Misa sa Pang-araw-araw na Buhay” na sa huling salita ng yumaong Santo Papa: “O Panginoon, hinihiling namin sa iyo na manahan ka sa amin, na naway manahan ka sa amin. Amen.”

Enero 1, 2006

Kapistahan ni Maria Ina ng Diyos

Notes
  1. Evangelii nuntiandi, Apostolic Exhortation of Pope Paul VI, December 8, 1975
    Published in English as “Evangelization in the Modern World”
  2. Pastores dabo vobis, Apostolic Exhortation of Pope John- Paul II, March 25, 1992
    Published in English as “I Will Give You Shepherds”