1/1/2004 Pagsasabuhay ng Misa sa Pang-araw-araw na Buhay

Paul Otsuka Yoshinao, Obispo ng Kyoto

1. Danasin natin ang Komunidad ng Pananampalataya

 Manigong Bagong Taon! Sa taong ito gusto kong itulak ng buong loob (resolutely), sa tulong ninyong lahat, ang Sama-Samang Paggawa Para sa Misyon ng Diyosesis ng Kyoto. Noong nakaraang taon (2003) pinagsikapan nating isipin at danasin kung ano ang komunidad ng pananampalataya na ang miyembro ay tunay na mga magkakaibigan. Sa ganitong kalagayan, lalo ko pang inuulit ang ating misyon, bilang komunidad, na isalin ang ating pananampalataya sa susunod na henerasyon sa pamamagitan ng pagpili ng temang “Pagpapaunlad ng Pananampalataya ng mga Bata.” Naisip ko na marami sa mga lay people ng diyosesis ay tumutugon sa tawag na ito. Simula sa taong ito pagsikapan natin bilang diyosesis na magkaroon ng sariwang pagsisimula nang paghawak sa gawain ng pagsasalin ng pananampalataya sa ating mga anak.

2. Ang Banal na Sakramento na Nagbibigay ng Buhay sa Simbahan

 Pagkatapos na lampasan ang landmark na 25 anyos bilang Papa nuong nakaraang taon, patuloy si John Paul II sa pag-aalay ng kanyang buhay sa kanyang bokasyon bilang tagahalili kay Pedro. Nagpalimbag siya ng encyclical letter, “Ang Banal na Sakramento na Nagbibigay ng Buhay sa Simbahan” (2003/4/17) na ang kanyang mensahe ay tungkol sa misteryo at pagiging sagrado ng Blessed Sacrament (eucharistia) na siyang nagpapalago at nagpapasigla sa simbahan. Habang nagpapahayag ng kanyang sariling buhay-pananampalataya at karanasan sa pananampalataya, na kaugnay sa Yukaristiya (Eucharist), tinatawag niya ang mga Kristiyano na “siyang lumulusong sa kailaliman” para magpahayag ng ebanghelyo sa ikatlong milenyo para malasap muli ang misteryo ng Yukaristiya (Eucharist), para mapalalim ang kanilang pagkamangha dito, at nang maayos nilang maunawaan ang kahulugan ng Misa at mabigyan ito ng pangunahing kahalagahan sa kanilang buhay.

 Sa paghahanap ng bagong anyo para sa Simbahan sa Daantaong 21 (21st century), kailangan nating simulan ang isang mahabang paglalakbay ng pagpapakilala ng Sama-samang Paggawa para sa Misyon at makapagbuo ng “nag-e-ebanghelyong komunidad” na nasa gitna ng lahat nito ang Misa mismo, kung saan tayo ay nagtitipong nakapaligid kay Kristo na siyang pinakamahalagang pamamaraan upang magkaroon ng buhay na komunidad. Ang Misa ay siyang dapat nagbibigay ng buhay sa pananampalataya ng Simbahan at ng bawa’t isa sa atin; ito dapat ang pinanggagalingan ng lakas na nagbibigay buhay sa komunidad ng Simbahan. Kung nag-aalala ang mga tao tungkol sa kanilang pagsali sa Misa o sa mga praktikal na hirap ukol sa pamamaraan ng pagdiriwang ng Yukaristiya (Eucharist) na ang resulta ay hindi nakikita ng mga tao ang Misa bilang pinanggagalingan ng lakas sa kanilang buhay; kung nararamdaman ng mga tao na kailangan silang maghanap sa ibang lugar maliban sa Misa para mabigyan ng kaligayahan ang kanilang pagkagutom na ispiritwal, nangangailangan na ng seryoso at buong-pusong paghahanap ng pamamaraan na magbibigay isip sa natin na tayo ay bahagi at kasama sa Misa at sa ibang bahagi ng liturhiya. Sa taong ito, sa temang “Isabuhay ang Misa sa pang-araw-araw na buhay”, gusto kong magsikap ang Kyoto Diyosesis na gawing ang pagdiriwang ng Misa tuwing Linggo sa mga parokya ay maging tunay na “Karanasan ng Komunidad ng Pananampalataya.”

3. Pagsasabuhay ng Misa sa araw-araw na Buhay

 Dalawang bagay ang hinihingi ni Kristo sa ating pangkaraniwang buhay. Ito ay ang “Sumunod ka sa Akin” (Marcos 8:34) at “Ipinadadala Kita” (Juan 20-21). Kasama na ang pagiging misteryosong pangangatawan ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo, ang Misa ay isa ring pagkikipagtagpo kay Kristong buhay; ito ang maaaring pinagmulan (source) na siyang pagkukunan natin ng pag-unawa sa gawaing pagsagip ni Kristo at nang maipahiwatig natin ito sa mundo. Ang pammumuhay ni Kristo kasama ang pag-ibig nitong sumasakop sa lahat at ang kanyang sakripisyo, na ating ipinagdiriwang sa Misa, ay halimbawa para tularan natin, bilang mga disipulo niya.

 Sa Misa bawa’t isa sa atin ay ini-imbitahan, unang una, sa pamamagitan ng “Salita ng Diyos,” na sundin si Kristo. Tapos tayo ay pinababalik sa ating “pang-araw-araw na buhay,” bilang komunidad ng mga naniniwala na sumama kay Kristo sa pamamagitan ng Banal na Sakramento at pinalakasan Niya ng loob, upang ang ating Lipunan ay umayon sa Kagustuhan ng Diyos.

 Ipinadala ni Kristo ang Ispiritu Santo, ang “tagatulong” at “tagapagbigay ng ginhawa” sa atin, at siya ay aktibo sa ating pang-araw-araw na buhay. Sa ganitong paraan, ang Diyos na may Tatlong Anyo (Triune) ay nagpapakita sa tao, sa alinmang oras o lugar, ng kanyang intensyon na sagipin ang lahat na nilalang. Maaari nating sabihin, kung ganun, na nakakatagpo natin ang Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay. Ang ibig kong sabihin ng “Pagsasabuhay ng Misa sa araw-araw na buhay” ay yung pag-aaral ng pamamaraan ng pamumuhay ni Kristo mula sa Misa at, sa pangunguna ng Ispiritu, pagsasabuhay nito sa inyong sariling buhay sa araw-araw. Tayo, na tinatawag sa pamamagitan ng Pagbibinyag, at lalo pa sa Pagkukumpil, ng Diyos Ama, pinanggagalingan ng kaligtasan, na maging kapwa ka-manggagawa kasama ni Kristo, na kumuha ng lakas mula sa handog na biyayang ispiritwal ng Misa, ay ipinadala kasama si Kristo sa araw-araw na buhay. Dahil nga dito, upang sumangkot ang Misa sa pang-araw-araw na buhay, kasama ni Kristo, dapat tayong makibahagi sa Misa ng buong puso.

4. Ang Misa: Paniniguro ng Pagsagip mula sa Huling Hapunan ni Hesus

 Itinagubilin ng Diyos na dapat panatilihin ang Sabbath ng Kanyang mga tao sa Lumang Tipan bilang “tanda ng paglaya” mula sa “kalagayan ng pagka-alipin.” Nguni’t nung panahon ni Hesus, patungkol sa Sabbath bilang “sign ng paglaya”, inayos ng mga lider ng Hudyo ang Lipunan ayon sa pagtingin na ang mga taong nagpapanatili ng Sabbath ang siya lamang makakaranas ng pagsagip ng Diyos. Ang mga mahihirap at may sakit na gustong panatilihin ito nguni’t hindi kaya, kasama yung mga itinuturing na makasalanan at dayuhan, ay inilabas sa balangkas (frame) ng Lipunan at hindi isinama sa pagsagip ng Diyos. Ipinakita ni Hesus sa mga tao kung ano ba ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mabuting balita tungkol sa Kaharian ng Diyos at pamumuhay na kasama ang mga taong maaaring nakakasama sa pangrelihiyon at panglipunang pagtataboy (subject to religious and social exclusion) kahit ito ay maaaring magdulot ng masama sa Kanya. Ipinakita niya ang kahulugan at layunin ng Kanyang sariling buhay sa mas lalong malalim na paraan, bago ang Kanyang paghihirap at kamatayan sa krus, sa pamamagitan ng Huling Hapunan. Sa hapag, kumuha Siya ng tinapay, hinati ito at ibinigay sa kanyang mga disipulo, binigyan din Niya sila ng alak. Ang tinapay at alak na ito ay ginawa niyang “Sagradong katawan at dugo” bilang tanda ng kanyang sumasakop-sa-lahat na pagmamahal sa Diyos at ang kanyang sariling pagsasakripisyo. Pagkatapos mamatay si Hesus, ang kanyang mga disipulo, na nagmana sa Kanyang hindi matitinag na siguradong pagsagip, ay palagiang nagbabago at nagpapalalim ng pananampalataya sa Simbahan sa pagsagip ng lahat ng tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos sa pamamaraan ng pagdiriwang ng bawa’t “Araw ng Diyos,” ang “Ritwal ng Pasasalamat” na iniwan sa kanila sa Huling Hapunan.

5. Misa: Naimpluwensiyahan ng daloy ng kasaysayan ng Simbahan

 Ang Misa, na siyang itinatag ni Kristo na ganito at ipagdiriwang ng Simbahan hanggang sa katapusan ng mundo, ay isang “tanda ng pinakamataas na uri ng kalayaan”: ang ating pagkakalaya mula sa kasalanan at kasamaan sa pamamagitan ng Kanyang pasyon at pagkabuhay na muli. Hindi kaya tayo nakukulong sa pag-unawa sa Misa bilang isang obligasyon o ritwal? O sa mas lalong masama pa, dahil tayo ay sanay na sa Misa at hindi na natin ito pinapansin, tinitingnan kaya natin ang ating pananampalataya bilang dagdag lamang sa ating buhay? Upang maalis natin sa ating sarili ang ganitong pag-iisip, kasama na rin ang tapat na pagsusuri ng sariling damdamin (soul-searching) ng bawa’t isa, makatutulong kung may alam tayo sa 2,000 taong kasaysayan ng Simbahan at ng Misa.

 Nang ang Kristiyanismo ay naging Relihiyon ng Estado (ng Emperyo ng mga Romano) ang pagkakaunawa at pamamaraan ng pagdiriwang ng Misa, na ipinagdiwang ng mga Unang Kristiyano bilang pag-aala-ala sa Hapunan ng Diyos (Lord’s Supper) at siyang binigyan nila ng kahalagahan bilang bagay na kanilang ibinabatay ang buong hinaharap, ay nabago ng husto. Nung ang panahon ng pang-aapi/pagmamalupit (persecution) na ang lahat ay naging Kristiyano, ang Pagbibinyag, Pagkukumpil at Pagkakasal ay hindi lamang mga sakramento ng Simbahan kundi mga “tanda” na sumama sa ritwal ng paglago (rites of passage) ng lipunang sibil. Maraming malalaking simbahan ang itinayo at nilagyan kasama sa “main” altar ang marami pang ibang altar; ang pagtingin sa pagdiriwang ng Misa bilang komunidad ay humina at ang pagdiriwang ng Misa para sa intensiyon ng indibidwal ay dumami. Ang Eucharistic Worship ay napahiwalay sa karaniwang buhay at ang pagtingin na ito ay bagay na pansariling pananalig lamang ay malakas na naitanim sa isip.

 Bagama’t ang tunay na kalikasan ng Misa ay hindi nagbago, ang pangyayaring ito ay dahan-dahang nagpalayo sa pag-iisip o damdamin (attitude) na ang Misa ay pagpapahayag ng pananampalataya na ayon sa utos ni Hesus sa Huling Hapunan ay gagawin bilang isang komunidad. Sa tingin ko ay kailangang kilalanin natin, hindi itago, ang katotohanang nasa gitna ng kasaysayan ang paghiwalay sa Simbahang Katoliko at pagbuo ng bagong samahan ng isang bahagi ng pagkakapatiran (brotherhood). Sa panahong kalilipas lamang, nahaharap ang mundo sa bagong yugto: lumipat tayo ng posisyon mula sa paniniwalang ang Diyos ang siyang batayang prinsipyo ng lahat, tungo sa paniniwalang ang katwiran ng tao (human reason) ang siya lamang sukatan ng bawa’t desisyon. Naging pananaw ng marami na kayang unawain ng sangkatauhan ang anumang phenomenon sa pamamagitan lamang ng katwiran (reason) na walang ibang katulong at ang Diyos ay puwedeng isipin na nabubuhay lamang sa “larangan ng relihiyon.”

6. Misa: tulong sa hamon sa buhay ng pag-e-ebanghelyo

 Hindi kaya tayo, mga tao ngayon, ay napipiringan (blinkered) ng tiwala sa sariling isip at pagsasarili, kalagayang katulad sa pagkakaalipin ng mga tao sa Lumang Tipan? Tayo ay naging bihag ng mga bagay ng mundong ito, na hindi isinasa-alang-alang ang Diyos, at araw-araw ay nawawala ang ating pagkatao. Hindi kaya tayo, mga Kristiyano sa ngayon, dahil maginhawa na ang ating buhay o palapit na tayo doon, ay maaaring nagkakaroon ng pananampalataya na humihingi lamang ng “kapangyarihan ng Diyos” o “biyaya” kung, sa ano mang dahilan, ang panahon ay nagiging mahirap? Kung talagang sumasama tayo sa Misa ng Araw ng Panginoon (Lord’s Day Mass) sa tunay nitong espiritu, tatanungin natin kung paano tayo nabubuhay sa araw-araw. Kaugnay ito sa ating muling pagsisiyasat sa ating pagkaka-alam sa layunin ng Misa: pumupunta ba tayo sa Misa para sa ating sariling kagalingan o sumasama ba tayo sa pagdarasal na maging totoo ang uri ng Lipunan na gusto ni Kristo? Ang pagpunta sa Misa ay hindi lamang obligasyon o seremonya, hindi rin ito para makipagkita sa mga kaibigan. Kapag tayo ay sumasama sa Misa, pagkakataon ito para tanungin ang sarili natin tulad ng “Paano ako mabubuhay ngayong araw na ito?” “Paano ako mabubuhay sa linggong ito?”

 Hindi ba’t dahil tayo, na siyang bumubuo ng Simbahang Katoliko sa kasalukuyan, ay naghati-hati ng ating buhay sa ilang parte kaya hindi natin kaya na humugot ng lakas mula sa ating sariling buhay-pananampalataya? At hindi ba’t dahil tayo ay isang komunidad na pinagsama-sama mula sa ganitong uri ng Kristiyano, na nagkaroon ng paningin na ang pananampalataya ay isang bagay na hiwalay, na hindi kaya ng ating komunidad na magkaroon ng masigasig na anyo na ka-engga-engganyo sa mga kabataan? Subali’t tayong mga Kristiyano ang siyang tinatawag na maging saksi sa mga tao ngayon, na malaking pabigat sa buhay, na itong pagmamahal ng Diyos ang siyang tumutulong sa buong buhay nila at siya ang ilaw na tutulong na mahanap ang tapang at lakas na mabuhay ‘sa pang-araw-araw na buhay.’ Siyempre tayo rin ay mga makabagong tao na may malaking pabigat sa ating buhay. Dahil dito ang ating buhay bilang taga-pag-palaganap ng ebanghelyo ay likas na nangangailangan ng malaking tapang at pagsasakripisyo.

 Ang Misa, na siyang pag-alala sa sakripisyo ng Anak ng Diyos, Kristong Panginoon at Tagapagsagip, ay nagtuturo sa atin mas higit pa sa lahat na malaman na tayo ay makasalanan na hindi lubusang tumutugon sa hinihingi ng Diyos sa atin. Sa kawalan ng ganitong kaalaman na tayo ay makasalanan na nangangailangan ng patawad kay Kristo, hindi natin nakakaharap ang Diyos o hindi natin nakikita ang ating mga kapatid na naniniwala sa Diyos. Upang makapasok tayo sa misteryo ng Misa, kailangan munang maging malaya tayo sa lahat ng mga maka-sariling pananaw sa pananampalataya.

7. Misa: Kumakatawan sa pananampalataya sa karaniwang pamumuhay

 Samakatuwid, ang ating pagsali sa gawaing pagsagip ni Kristo ay nagsisimula sa ating pagsali sa Misa. Para maipahayag ang ipinahihiwatig ng Misa na ang gawaing pag-e-ebanghelyo (evangelical) ni Hesus at ang kanyang sakripisyo sa krus ay kumakatawan sa kasalukuyang henerasyon, hindi lang dapat na simpleng sabihin na ito ay para sa kani-kaniyang pagsisisi. Ang sakripisyo ni Hesus sa Misa ay para sa pagpapanibago ng lipunan ng tao simula sa kanyang mga ugat upang maging posible para sa lahat ng tao na isabuhay ang bawa’t bahagi ng buhay nila ayon sa sistema ng pagpapahalaga na siyang nagpapatupad ng Kagustuhan ng Diyos. Tayong mga Kristiyano ay nagsisikap na magkaroon ng kaunlarang pang-ispiritwal sa gitna ng ating “karaniwang pamumuhay.” Sa ganitong paraan, ang Misa ay kumakatawan sa karaniwang pamumuhay. Ito ay dahil sa, para sa mga laity, “ang lahat ng kanilang gawa, pagdadasal at gawaing apostoliko, ang kanilang karaniwang buhay may-asawa at pamilya, ang kanilang araw-araw na pagtatrabaho, ang kanilang pagpapahinga ng kaisipan at katawan, kung ginagawa ayon sa Ispiritu, at kahit may paghihirap sa buhay, kung pasan nang may tiyaga – ang lahat ng ito ay magiging pang-ispiritiwal na sakripisyo na tinatanggap ng Diyos sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, at sa pagdiriwang ng Yukaristiya ang mga sakripisyong ito ay buong pagmamahal na iniaalay sa Ama kasama ang katawan ng Panginoon.” (Vatican II, Dogmatic Constitution on the Church, 34).

 Ang pang-araw-araw na buhay ng mga Krsitiyano na nagbago sa pamamagitan ng Misa ay nagiging larangan (arena) para sa pagsasama ng pananampalataya at buhay. Dagdag pa rito, ang Misa ang nabibigay sa mga Kristiyano ng lakas upang harapin ang mundong ito. Isang pagkakaunawa (sense) sa pagpapahalaga na, sa Misa ang pagdiriwang ng pag-ibig ng Diyos ay una sa lahat, nagbibigay ng lakas sa atin na baguhin ang panglipunan at pangkulturang kayarian (framework) na salungat sa bibliya. Ang isang malakas na puwersa ng pagganyak (motivation) para baguhin ang ating sarili at ang ating lipunan ay nasa sa Misa. Ang Misa, samakatuwid, ay ang lakas na nangunguna sa pagpapalaganap ng ebanghelyo.

8. Misa: pagbabago ng ating batayang kapasyahan na magpalaganap ng ebanghelyo

 Bago mapakilos ang tunay na lakas na dala ng Misa, kailangan nating maranasan muna ang ating sariling “Social conversion”. Ang simula ng proseso ng pagbabago (conversion) ay ang pagpansin sa mga pang-aapi at kawalan ng katarungan, mula sa istruktura na hindi sang-ayon sa bibliya, na nabubuhay sa ating buhay at sa komunidad ng simbahan. Ang susunod na stage ay ang pagkilala na tayo mismo at ang Simbahan ay walang kapangyarihan sa harap ng istruktura ng kasamaang ito. Sa ganitong paraan, ang pag-amin ng katotohanan na tayo ay mga biktima ng ating istrukturang panglipunan ay kasabay ng ating paggising sa katotohanang ang istrukturang ito ay dulot ng ating makasariling paghahanap (self-seeking) at ng hindi maayos na mga attachments sa komunidad ng Simbahan at ang ibig sabihin nito ay tayo rin ay gumagawa ng masama. Kung matanto natin ito, makikita natin nang lalong malinaw sa Misa ang Hesus na humahamon sa anumang bagay sa lipunan ng tao na hindi sang-ayon sa bibliya.

 Ang pinakabatayang kapasyahan ni Hesus ay mawala ang lahat ng uri ng disbentaha (manner of disadvantage), pang-aapi at pagtatangi/diskriminasyon (discrimination) sa buhay ng lahat ng tao, walang isa mang itinatangi. Pinili ng mga Kristiyano ang kagustuhang ito ni Hesus bilang kanilang sariling kagustuhan. Kung, sa pamamagitan ng babasahin sa bibliya pag may Misa, mapapakinggan natin ang salita ng Panginoon na taliwas sa ating sariling pamumuhay at ng Lipunan, kung maririnig natin ang buhay na Salita ng Diyos at maririnig kung ano ang gusto niya sa atin, ang Misa ay nagiging lugar para magdesisyon na atin muling samahan si Hesus sa kanyang pagpupunyagi (struggle). Sa ibang salita, ang Misa ang pamamaraan ng palagiang pagpapanibago ng ating batayang kagustuhan na palaganapin ang ebanghelyo. Samakatuwid, sa pagharap sa layunin ng “Pagsasabuhay ng Misa sa ating araw-araw na buhay”, inaalala ko kung gaano ang lalim ng pagkakabaon sa ating buhay ng ating batayang kagustuhan bilang indibidwal na palaging tumitindig at lumalaban sa mga kalagayan ng pagyurak sa dignidad ng tao.

9. Misa: pagiging Simbahan na nagsisilbi sa Lipunan

 Ang ibig sabihin ng “Pagsasabuhay ng Misa sa ating araw-araw na buhay” ay ang pagnanasang magkaroon ng pakikipagkaisa sa mga “taong walang-wala” at pagkakaroon ng praktikal na pagpili na mabuhay ng simple. Ang pagbibigay sa iba ay kasama sa simpleng pamumuhay. Ito ay ang pagsama sa ipinupunyagi (cause) ng mga taong naghihirap o inaapi. Ito ang Ispiritu ni Kristo at maaari nating sabihin na ito ang Misa mismo.

 Kahit ngayon, ibinabahagi ni Kristo sa atin sa Misa na ang kanyang iniaalay sa Ama ay ang mga tao, lalo na yung mga naghihirap, bilang kanyang mystical na katawan. Sa Misa ng Daantaong 21 (21st century), habang tayo ay sumisigaw ng paglaya mula sa istruktura ng kasamaan at lalo pang pinamumunuan ang paghilom ng pagkakahiwa-hiwalay sa lipunan, ang Simbahan ay lalo pang nagiging Simbahan na nagsisilbi sa lipunan. Na ang Misa mismo ay siyang naging pagkakataon para maipalaganap ang ebanghelyo at maipunyagi ang Hustisya at ang mga laity ang naging buhay na sakramento na sinustentohan ng Katawan ni Kristo, ang Simbahan ay binabago para maging isang institusyon na nagsisilbi sa Mundo.

10. Misa: sakramento ng malalim na pakikipagkapwa

 Ano ang naiisip ng mga taong pumunta sa Misa, ayon sa ating pagdiriwang sa ngayon, sa unang pagkakataon? May naiisip ba sila na ang pagsunod sa pangkalahatang kaayusan (rubric) ay “nagpilit sa Misa sa isang hulma (mold)”; o tinitingnan ba nila kung paano binabasa ang mga babasahin, ang Dasal ng mga May Pananampalataya, ang paraan ng pagpapalitan ng Tanda ng Kapayapaan, ang paghahalubilo ng mga tao bago at pagkatapos ng Misa, at kaya naiisip nila na may buhay-na-buhay na pakikipagkapwa ang mga tao na nagbibigay ng malaking halaga sa bawa’t isa. Kung nakikita nila ang ating Misa bilang isang malalim at taos-pusong pakikipagkapwang hindi kadalasang natatagpuan at sila ay napupuspos ng paghanga, siguro sila ay maniniwala na sa pamamagitan ng Misa tayo ay lumalaya, sinasagip at nagbabahagi ng ligaya ng nagpanibagong (renewed) buhay.

 Kaya nga, lahat ba ng pumupunta sa Misa sa mga parokya ay tinatanggap ang lahat ng tao nang walang itinatangi? Binibigyan ba ng konsiderasyon ang mga mahihirap, ang mga may kapansanan, ang mga dayuhang naninirahan sa Japan, ang mga bata, mga kabataan, ang mga may-sakit, ang mga matatanda, ang mga taong sa iba’t-ibang dahilan ay hindi makapunta sa Misa, at mga taong pumunta sa Misa sa unang pagkakataon, at iba pa, na maaari silang sumama ng hindi makakaramdam na hindi sila komportable (uncomfortable)?

 Totoo din na tayong nabiyayaan ng pagkakataon na sumama sa Misa tuwing Linggo, na tumatanggap ng Yukaristiya, ang pagkaing nagpapabusog sa ating pang-ispiritwal na kagutuman at kahirapan, ay siguradong pinapupuntang sariwa, pinalakas ng Banal na Sakramento na ating natanggap, sa ating mga kapatid na gutom at naghihirap. Sa ganitong paraan, kung palalawakin natin ang ating sirkulo sa pamamagitan ng malalim na pakikipagkapwa na dinala ng Misa para nga makasama ang mga taong mahihirap sa pang-araw-araw na buhay, mga taong biktima ng diskriminasyon (discriminated against), mga taong may sakit, at mga taong may ibang kaayusan ng pinapahalagahan kumpara sa atin, maaari tayong magsaya nang sama-sama sa pagtagpo at pagsalubong kay Kristo mismo, na nasa bawa’t isa.

11. Pagdarasal kay Maria para sa biyaya ng Misa

 Sa buong buhay ni Maria, siya ay ‘babaing binuhay ng Katawan ni Kristo’. Pinuri ni Maria ang Diyos sa pamamagitan ni Hesus, sa loob ni Hesus, kasama si Hesus. Dahil dito, idineklara ng Simbahan na si Maria ay maging huwaran natin. Sa Yukaristiya, ang Simbahan ay may perpektong paraan sa pagsama sa sakripisyo ni Hesus at pagturing sa Ispiritu ni Maria bilang kanyang Ispiritu mismo. Sa taong ito (2004), dahil sa desisyon tungkol sa “Pagsasabuhay ng Misa sa araw-araw na buhay”, hilingin natin nang buong katapatan, kasama si Maria, ang biyaya at ang alay ng pag-asa, na muli nating tingnan ang paraan ng ating pamumuhay at ang pagsama ng Misa sa ating pang-araw-araw na buhay.

 Ang Pang-Linggong Misa sa ating mga parokya ay ipinagdiriwang para, higit sa lahat, maging pagkakataon upang mabuo ang pagkakaisa ng komunidad ng pananampalataya, at upang ang komunidad ng pananampalataya na siya mismong parokya ay makapagdiwang ng ‘sakramento ng pagkakaisa’. (Sulat Apostoliko ni Juan Pablo II, “Araw ng Panginoon- ang kahalagahan ng Linggo,” 36). Kapag ang Simbahan ay nagdiriwang ng Santa Misa, palaging naroon si Maria kasama natin; magdasal tayo para sa biyaya ng pagkakaisa habang nag-aalay tayo sa Misa kasama niya.

 Bilang kahuli-hulihan, ipagpatuloy natin ang pagdarasal sa Misa para sa “Pandaigdigang Kapayapaan”. Magdasal para sa Kapayapaan sa Middle East at ang tuluyang panunumbalik sa dating kalagayan (recovery) ng Iraq; na tayo ay makakilos tungo sa pag-aayos ng mga hidwaan sa buong mundo. Magdasal na ang mga tao sa buong mundo ay sumama kay Kristo, ang “Prinsipe ng Kapayapaan”, na ang “Lahat ay maging Isa”, magdasal na “siya ay makasama sa lahat ng bagay at maging lahat ng bagay.”

1/1/2004, Kataimtiman ni Maria Ina ng Diyos



Cf.
Pope John Paul II: Encyclical Letter, Ecclesia de Eucharistia (“The Eucharist which gives life to the Church”), 2003/4.17. Pope John Paul II: Apostolic Letter, Dies Domini (“The Lord’s Day”) 1998/5/31.